Tuesday, October 5, 2010

Shalani










Before and after a haircut.


 Hongkong in Cambodia (hehehhehe)

The foods in Shalani's twitter account, , , ,  mahilig cya sa food . . .  feeling chef na cya

Attending CALD Women's Caucus in Cambodia, Oct 3-4, 2010
Dinner with her father Adi Aguirre





 Voter's Orientation in Maysan, Valenzuela







Kung ako si Shalani at boyfriend ko si Pres. Noynoy…


Ni Che Sarigumba
  • Siguro ang una kong gagawin ay patigilan sa paninigarilyo si Noynoy. Pero kung hindi naman niya ako mapagbibigyan, siguro’y mas mabuting manigarilyo na lang din ako. Wala pang second-hand smoke, makakahingi pa ako sa kanya.
  • Mamamasyal kami kung saan naroon ang mga street kids, kakain kami ng street food, kasama ang mga mahihirap na bata. Para naman sa ganoong paraan mapansin sila.
  • Sasabayan ko siyang kumain sa umaga. Araw-araw. Mas mabuti na yung paggising niya pa lang ay ako na yung mabubungaran niya. Aba, mahirap na. Baka mamya may mga umaaligid na mga kung sino-sino dyan. Sige, subukan niyo lang…
  • Minsan sa isang linggo, dadalhin ko si Noynoy sa videoke-han. Sasabayan ko siyang magsanay sa pagkanta para kapag natapos ang termino niya at hindi siya maboboto muling presidente, pwede kaming mag-sideline sa showbiz! Siyempre nandiyan naman si Kris, malakas humatak yan sa mga tao kaya matutulungan niya kami.
  • Dapat i-text nya ako lagi. Kapag hindi niya ako tinext o tinawagan, magtatampo ako. At lalo na kapag hindi niya ako sinipot sa aming usapan. Kung ako nga na girlfriend niya ay hindi niya mapanindigan ang kanyang salita, paano na kung sa milyon-milyong Pilipinong umaasa sa kanya ay gawin niya iyon? Para sa bayan ito!
  • Kapag niyaya niya akong magpakasal, susunggaban ko na kaagad. Walang patumpik-tumpik, “oo” na agad. Walang dalawing isip. Kahit ano pa sabihin ng ibang tao! Aba, hindi yata araw-araw na yayain ka pakasal ng isang presidente! Kung magpapaka-maria clara pa ko, eh, patay! Mahirap na! Ang gwapo pa naman ng boyfriend ko lalo na kapag naka barong. At para naman magkaroon na ng first lady ang bansa, hindi lang first girlfriend o first it’s complicated!
  • At sa umaga paggising ko, hindi ko kakalimutang maglagay ng note sa refrigerator ni Noynoy, o kaya sa lugar na una niyang makikita paggising. Isusulat ko ang mga magagandang hangarin ng kanyang magulang—si Ninoy Aquino at Tita Cory–para naman hindi lumiko ang daang tatahakin niya. Para lalo siyang magpursiging pag-ibayuhin pa ang pamamalakad sa ating bansa. At maging huwaran siya ng mga tao.
  • At higit sa lahat, hindi ko papayagang tumaba ako. Gusto ko sexy ako lagi para sa BF ko. Baka bigla akong ayawan ni Mr. President. Pero kahit presidente na siya, hindi ko parin siya tatawaging President Noynoy. Ang itatawag ko sa kanya ay darling, sweetheart, honey, baby, mahal, creampie, sugar, sweet cake–sa harap ng mga tao! Magalit na ang PSG sa akin!
Hehe… yun nga lang, hindi ako si Shalani Soledad at hindi presidente ang mas-cute kong boyfriend.
******
Kung ako si P-Noy at girlfriend ko si Shalani…
Ni Chen Sarigumba
Kung ako si Presidente Noynoy at kasintahan ko si Shalani Soledad, ito ang mga gagawin ko:
  • Gagawa ako lagi ng oras para sa girlfriend ko, kahit pasan ko pa ang problema ng buong bansa. Aba, eh para saan pa ang mga pagbabagong ipapatupad ko kung di ko naman ma-share ito sa mahal ko? Kaya nga natin pinagaganda ang bayan eh, para kasi ito sa ating mga minamahal sa buhay.
  • Hindi ko siya papayagang mag-artista. Sigurado may mga producer na magpupumilit kasi maganda si Shalani. Pero kung hindi ko siya mapipigil, kailangan mag aral na din ako mging action star!
  • Sosorpresahin ko siya minsan ng isang date na hindi pa niya nararanasan sa tanan ng buhay niya. Aba, eh presidente na ata ako. Pwede na ako magpakitang gilas sa GF ko. Pwede ko na siya sunduin at ihatid na gamit ang helicopter ko.
  • Magpapagawa ako ng malaking portrait namin ni Shalani at ireregalo ko sa kaniya. Para naman hindi niya na ako gaanong mamiss.
  • Pakakasalan ko si Shalani kahit marami pa ang umayaw diyan. Baka mamya maunahan pa ako ng mga kamukha ni Derek Ramsey, mahirap na! At gagawin ko ito para rin sa bayan! Aba, dapat lang na may First Lady ang mahal kong Pilipinas!
  • Gusto ko, pag-gising ng sweetheart ko, ang una niyang mabubungaran ay ang mga rosas na ipadadala ko sa kanya! Araw-araw! Sa bawat sibol ng bagong umaga! Sa susunod na anim na taon!
  • Higit sa lahat, gagawa ako ng sarili CD ng mga awit ko—pati MTV na rin! Lahat ng paborito niyang kanta ilalagay ko doon, at siyempre ako mismo ang singer! Para naman hindi siya mabitin sa pakikinig sa pag-awit ko. Pwede niyang patugtugin ng kahit ilang beses niyang gustuhin.
Yun nga lang, hindi ako si President Noynoy at hindi ko kasintahan ni Shalani Soledad. Wala din akong helicopter. Hehe.

 CALD Women's Caucus, Cambodia, Oct. 3-4, 2010